^

PSN Palaro

Cheese Balls-Shark kinatay ng Blades

-
Sumandig ang LBC-Batangas sa mga balikat nina Jason Cuevas at Al Magpayo sa final canto upang silatin ang Cheese Balls-Shark, 75-69 kahapon sa pagpapatuloy ng PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.

Nagtala si Magpayo ng double-double nang kanyang irehistro ang 17 puntos at 11 rebounds, habang kumana naman si Cuevas ng pito sa kanyang 11 puntos sa third period upang ibangon ang Blades at dalhin sa pakikipagtabla sa liderato sa Montana at Blu na nag-iingat ng 4-1 kartada.

Kontrolado ng Cheese Balls-Shark ang tempo sa kaagahan ng laro nang kanilang itala ang 40-31 kalamangan sa halftime.

Ngunit nagpakitang gilas si Cuevas sa sumunod na yugto nang maki-pagtulungan ito kay Alex Compton upang ibaba ang 19-7 bomba na siya nilang ginawang tuntungan upang agawin ang pangunguna na hindi na nila nilingon pa. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

AL MAGPAYO

ALEX COMPTON

BATANGAS

BLU

CHALLENGE CUP

CHEESE BALLS-SHARK

CUEVAS

JASON CUEVAS

MARIBETH REPIZO

PASIG SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with