^

PSN Palaro

Pinoy 'Magnificent 7' haharap sa mas mabigat na hamon

-
Makaraang ganap na makapagpahinga, tangka naman ng pitong Filipinong kabataan, limang lalaki at dalawang babae na mapaganda ang kani-kanilang records sa pagharap sa mas mabigat na kalaban sa kani-kanilang division sa seventh round ng World Youth Chess Championships 2002 sa Greek City ng Hersonissos, (Heraklio) sa Mediterranean isla ng Crete.

Naitala ng tinaguriang ‘Magnificent Seven,’ sa pangunguna ng Philippine junior boys under-20 champion na si Mark Paragua ang sweep sa kauna-unahang pagkakataon makaraan ang sixth round ng nasabing event na nilahukan ng mahigit sa 802 mga kabataan mula sa 71 bansa.

At sa limang nalalabing rounds, na lalaruin sa Huwebes at Linggo, mapapasabak sa mahigpit na laban ang 18-anyos na GM candidate na si Paragua na mayroong 4.5 puntos kontra Matthiew Cornette ng France sa boys under-18 category.

Nakatabla naman si National Master Roderick Nava mula sa 22nd hanggang 35th puwesto na may 3.5 puntos at titipanin niya si Lucs Liascovich sa boys 18 and under.

Sa iba pang laban, babanggain ni Vicneil Villanueva (3 pts.) si Nebojsa Dimoski ng Yugoslavia sa boys under-14 group, habang makikipagpigaan ng talento si Nelson ‘Elo’ Mariano III (4 pts.) kay Daniil Lintchevski ng Russia sa boys under-12 category at sasagupain naman ni Loren Brigham Laceste (3.5 pts.) si Zvonimir Ivekovic ng Croatia sa boys under-10 division.

Sa distaff side, haharapin ni Aices Salvador (3 pts.) si Selina Khoo ng England sa girls under-12 bracket at magpa-pasiklaban naman sina Cheradee Chardine Camacho (2 pts.) at Angelique Hatting ng RSA sa girls under-10 bracket.

AICES SALVADOR

ANGELIQUE HATTING

CHERADEE CHARDINE CAMACHO

DANIIL LINTCHEVSKI

GREEK CITY

LOREN BRIGHAM LACESTE

LUCS LIASCOVICH

MAGNIFICENT SEVEN

MARK PARAGUA

MATTHIEW CORNETTE

NATIONAL MASTER RODERICK NAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with