^

PSN Palaro

Ginebra vs Alaska; Talk 'N Text vs SMBeer

-
Ang dalawang pares ng laban ngayon ang maghihiwalay sa landas ng apat na koponang magbabanggaan sa kasalukuyang Selecta-PBA All-Filipino Cup sa Phil-Sports Arena.

Parehong ikaapat na panalo ang nakataya sa dalawang sultada na siyang maglalapit sa matatagumpay na koponan sa quarterfinal round ng season-ending conference na ito.

Unang magsasalpukan ang Barangay Ginebra at Alaska Aces sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:30 ng hapon na susundan naman ng engkuwentro ng defending champion San Miguel Beer at mapanganib na Talk ‘N Text sa alas-7:30 ng gabi.

Dahil galing sa dalawang sunod na panalo ang Phone Pals, delikado ang Beermen lalo pa’t ang kanilang huling tinalo ay ang Red Bull, 77-67 noong Biyernes sa Yna-res Center.

Bagamat galing sa 81-66 panalo ang San Miguel laban sa kanilang sister team na Purefoods TJ Hotdogs, may nararamdaman ding kaba si coach Jong Uichico laban sa Phone Pals.

Inaasahan ni Uichico sa opensa sina Dondon Hontiveros, Danny Ilde-fonso, Boybits Victoria, Olsen Racela at Nick Belasco kasama si Do-rian Peña na posibleng ipantapat ni Uichico kay Taulava.

Bukod kay Taulava, siguradong kakamada rin para sa Phone Pals sina Paul Alvarez, Don Camaso, Victor Pablo, Alex Crisano, Kenny Evans at iba pa.(Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALEX CRISANO

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

BOYBITS VICTORIA

DANNY ILDE

DON CAMASO

DONDON HONTIVEROS

JONG UICHICO

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with