^

PSN Palaro

3 umaatikabong bakbakan sa Casino Filipino

-
Tatlong nakalinyang sagupaan ang nakatakdang matunghayan ngayong gabi sa Theater ng Casino Filipino sa Parañaque.

Tinaguriang ‘Bakbakan sa Casino Filipino,’ itatampok ng Elorde International Productions ang World Boxing Council (WBC) International flyweight championship sa pagitan ng kasalukuyang titlist na si Randy Mangubat kontra mahigpit niyang karibal na si Bert Cano.

Ito ang ikalawang paghaharap nina Mangubat at Cano kung saan tinangka ng huli na maagaw ang WBC crown noong nakaraang Pebrero 2001, subalit ang nasabing laban ay nauwi sa technical knock-out sa 4th round kung saan napanatili ni Mangubat ang kanyang korona.

Isa pang international title fight ang sasambulat sa pagitan naman nina Archiel Villamor at Roselito Campana para sa Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight championship.

Tampok naman ang paghaharap nina Bobby Pacquiao na magdedepensa ng kanyang Philippine Super featherweight title kontra dating Philippine featherweight champ Baby Lorona Jr.

Susuporta naman sa nasabing slugfest ang dalawa pang Rubillar brothers na sina WBC Int’l minimumweight champion Ernesto Rubillar at WBC international lightfly-weight title holder Juanito Rubillar sa 8-round non-title fight kontra Armand dela Cruz at Rey Orais, ayon sa pagkakasunod.

ARCHIEL VILLAMOR

BABY LORONA JR.

BERT CANO

BOBBY PACQUIAO

CASINO FILIPINO

ELORDE INTERNATIONAL PRODUCTIONS

ERNESTO RUBILLAR

JUANITO RUBILLAR

MANGUBAT

PAN ASIAN BOXING ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with