'Bakbakan sa Casino'
November 19, 2002 | 12:00am
Tinanggap ni World Boxing Council (WBC) International flyweight king Randy Mangubat ang hamon ng kanyang mahigpit na kalaban na si Bert Cano para agawin ang hawak na korona ng una.
Nabigo si Cano na maagaw ang prestihiyosong WBC belt ni Mangubat na kanyang iniingatan simula pa noong Pebrero 2001 sa kanilang unang paghaharap kung saan ang nasabing laban ay itinigil sa pagsapit ng 4th round.
"Na-head butt lang nya ako kaya siya pa rin ang nanalo. Pero kung sa galing at lakas lang ay hindi siya uubra sa akin," pagbabanta ni Cano nang mag-courtesy call ito sa CF-Parañaque.
Tangka ni Cano na mapabagsak si Mangubat sa 3rd round pa lamang ng kanilang 12-round bout.
"Hahalik siya sa lona at magsisi siya sa pagtanggap ng hamon ko. Ito na ang katapusan niya bilang kampeon," dagdag pa ni Cano.
Ngunit ang banta ni Cano ay balewala lamang kay Mangubat.
"Puro siya daldal. Tignan natin ang galing niya sa Miyerkules sa paghaharap namin kakainin niya ang mga sinabi niya," sagot naman ng kampeon kay Cano.
Tinaguriang Bakbakan sa Casino Filipino, ang nasabing laban ay gaganapin sa Miyerkules sa Casino Filipino Theater sa Parañaque na suportado ng Philippine Amusement & Gaming Corp.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended