^

PSN Palaro

Paragua tuloy ang pananalasa

-
Nananatili pa ring walang talo si International Master Mark Paragua nang hatakin niya ang kanyang laban sa draw kontra sa kapwa niya IM na si Andras Flumbort ng Hungary sa pagtatapos ng 4th round ng World Youth Chess Championships 2002 na ginaganap sa Hessonissos, (Heraklio) Grete, Greece.

Napuwersa ng 18-anyos na si Paragua si Flumbort na makipaghatian ng puntos sa boys-under 18 group na nagbigay sa Filipinos ng tatlong panalo at isang draw.

Unang ginapi ni Paragua sina Zhang Shouya ng China, Damir Husnotdinov ng Uzbekistan at Anthony Bellaiche ng France, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman umayon ang magandang pagkakataon kina NM Roderick Nava at Nelson Mariano III nang kapwa matalo sa kani-kanilang kalaban.

Yumukod si Nava kay IM Shariya Memedyev ng Azerbaijan, habang natikman ni Mariano ang kanyang unang pagkabigo sa mga kamay ni Emilis Pileckis ng Lithuania sa boys-12 under category.

Si Mariano ay mayroon ng nalikom na 3 puntos, habang 2.5 naman si Nava sa boys-18 under class.

Naligtasan naman ni Vicneil Villanueva ang hamon ni Haren Pandaya Namra (ELO 1899) ng India nang kanya itong igupo para sa 2 puntos na naipon sa boys-under 14 bracket.

Nauwi sa draw ang laban nina Loren Brigham Laceste at Yam Nahed ng France sa boys under-10 division.

Sa kababaihan, yumukod si Aices Salvador kay Olga Gurira ng Russia sa girls-12 under category, habang nanalo naman si Cheradee Chardine Camacho, pambato ng Pine City Chess Academy kay Janine Flores ng Brazil sa girls under-10 bracket.

AICES SALVADOR

ANDRAS FLUMBORT

ANTHONY BELLAICHE

CHERADEE CHARDINE CAMACHO

DAMIR HUSNOTDINOV

EMILIS PILECKIS

HAREN PANDAYA NAMRA

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

JANINE FLORES

LOREN BRIGHAM LACESTE

NAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with