^

PSN Palaro

ICTSI-La Salle pinahirapan ng Regent-Shark

-
LIPA CITY – Dumaan muna sa butas ng karayom ang ICTSI-La Salle bago hugutin ang 77-74 panalo kontra sa Cheese Balls-Shark sa pagdako ng aksiyon sa PBL Chairman’s Cup sa Lipa Cultural Center kahapon.

Sa unang salta ni James Yap para sa kanyang bagong koponan, umiskor ito ng dalawang krusiyal na free throws sa huling maiinit na segundo ng labanan tungo sa ikalawang panalo ng Archers sa tatlong pakikipaglaban.

Ang dalawang bonus shot ni Yap na nagdesisyong maglaro sa La Salle at kalimutan ang kanyang planong pagsi-sit-out sa kumperensiya dahil sa problema sa kontrata, ang nagkaloob sa Archers ng 77-74 kalamangan, anim na segundo na lamang ang oras sa laro.

Isang mabilis na turn-over ang nakamit ng Regent-Shark ngunit nanatiling may tsansang makahirit ng overtime nang magmintis si Bernzon Franco sa kanyang dalawang free throw, 5.3 segundo pa.

Ngunit tuluyang napasakamay ng La Salle ang panalo nang mare-bound ni Rob Johnson ang bola na nagkaloob sa Regent- Shark ng ikalawang kabiguan sa tatlong laro.

vuukle comment

BERNZON FRANCO

CHEESE BALLS-SHARK

DUMAAN

ISANG

JAMES YAP

LA SALLE

LIPA CULTURAL CENTER

NGUNIT

REGENT-SHARK

ROB JOHNSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with