Lhuillier vs Spring Cooking Oil

CEBU CITY--Muling mabubuhay ang matagal ng rivalry ng M. Lhuillier at Spring Cooking Oil ngayong gabi sa kanilang nakatakdang pagha-harap para sa korona ng CBL (Cebu Basketball League) Invitational Cup sa Cebu Coliseum dito.

Maghaharap ang Jewelers at Cooking Oil Masters sa alas-6 ng gabi makaraan ang sagupaan para sa third place sa pagitan ng ML Kwarta Padala at University of the Visayas sa alas-4 ng hapon.

Ito ang ikatlong paghaharap sa kampeonato ng Cooking Oil Masters at ng Jewelers. Una nilang pinag-agawan ang titulo ng Interclub na pinagwagian ng Spring, bago bumawi ang Lhuillier sa CBL President’s Cup.

Pinayukod ng Jewelers ang Cooking Oil Masters, 86-74 noong Miyerkules ng gabi sa no-bearing game.

Show comments