Bakbakan sa Surigao City ngayon
November 15, 2002 | 12:00am
Dalawang Philippine title fights ang masisilayan ngayong gabi sa Gymnasium Surigao del Norte sa Surigao City na hatid nina Senator Robert Barbers at ng kanyang anak na si Gov. Lyndon Barbers.
Idedepensa ni Dondon Sultan, tubong Dipolog City ang kanyang korona kontra Cesar Yarte ng Cagayan de Oro sa welterweight division.
Makakaliskisan naman ang tikas ng protege ni Wakee Salud na si Jimrex Jaca na magtatanggol naman ng kanyang titulo laban sa may kalakasang kalaban na si dating Pan Asian Boxing Association (PABA) bantamweight champion Joel Junio para sa Philippine super bantamweight championship.
Tampok din sa nasabing laban ang limang non-title fights sa pagitan ng mga amateur na boksingero mula sa Cadiz City, Bukidnon, Cagayan de Oro at Davao City upang mahasa ang kani-kanilang talento sa pag-asang maging kampeon sa hinaharap.
Magiging benepisyo ng nasabing slugfest na suportado ng PAGCOR at promoted ng Elorde International Productions sa pangunguna ni Gabriel Bebot Elorde Jr., ang Center for Abuse Women, Los Surigeños at Parac Surigao del Norte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am