Nakabawi ang Juzzers sa kanilang unang dalawang sunod na kabiguan at ibigay ang magandang debut kay Dong Vergeire, ang kanilang bago coach na pumalit kay Manny Dandan.
Sa kabilang dako naman nabigo naman ang Dazz sa kanilang tangkang makasosyo sa liderato ang Welcoat Paints (2-2) at nagbagsak sa kanila sa 1-1 rekord.
Mabangis ang simula ng John-O nang kanilang ratratin ng 10-0 run sa kaagahan ng laro at kunin ang 21-8 bentahe sa pagtatapos ng unang canto.
Unti-unti itong tinibag ng Dazz na bumaba sa limang puntos papasok sa ikaapat na quarter, 47-52 ngunit hindi nasustinahan ng Dishwashing Liquid ang kanilang isinagawang oposisyon.
Pinangunahan ni Mark Macapagal ang John-O sa kanyang tinapos na 17 puntos kasunod si Ranidel De Ocampo na may 13 puntos habang si Allan Salangsang naman ay nakatapos ng double digit sa Dazz sa kanyang itinalang 14 puntos.
"Its a good start, and Im really excited to be back." pahayag ni Vergeire na nagsabing nasa Amerika siya nang ialok sa kanya ng may-ari na si Sen. John Osmeña ang pamamahala sa koponan.
Dadako naman ang PBL Challenge Cup sa Lipa City bukas. (Ulat ni Carmela Ochoa)