Lilipat Na Kami
November 14, 2002 | 12:00am
Mapapanood na ang inyong paboritong The Basketball Show ngayong Sabado, alas 4 ng hapon sa IBC-13. Ang paglipat nito ay kasabay ng lubusang pagtungo ng Intercontinental Broadcasting Corporation sa sports.
May bagong bahagi ang Basketball Show, ang Basketball Family, sponsored by Columbia Foods, na walang-sawang tumulong sa mga manlalaro natin sa international competition sa mga nakaraang SEA Games at SEABA. Ito'y tungkol sa mga pamilyang nabubuhay sa basketbol, maging bilang player, coach, manager, at kung anu-ano pa. Lalo na't tumagal na ang PBA, maraming mga dating manlalaro na naipasok na rin ang kanilang mga anak sa isport na ito.
Naririyan pa rin ang mga dati nang tinatangkilik, ang SlamBook, na ginaya na ng PBA, UAAP at NCAA, kung saan tinatanong ang mga players kung ano ang kanilang mga hilig at mga hindi gusto.
Siyempre, kasama pa ang mga pangunahing ulat sa linggong ito, mga resulta ng mga laro. Hindi niyo ba napapansin sa pitong araw sa isang linggo ang basketbol ngayon? Sabay-sabay na ang Champions League, PBL at PBA.
Dagdag pa rito ang Off The Court, kung saan malalaman ninyo ang paboritong gawain ng mga basketbolista pag hindi naglalaro; ang Everybody's Game, kung saan kayo naman ang ipinapakita naming naglalaro; ang Make Ur Move, kung saan tinuturuan tayong lahat ng pinakamahuhusay na player at coach sa bansa; The Fan, na napag-papakita na maging ang mga sikat na artista't tagahanga rin ng basketbol; The Game Of My Life, kung saan nilalahad ng mga player ang mga paghihirap nilang naalpasan, at mga request ninyo. At ang inaabangan ng marami, ang Aqua Sweet Player of the Week, tampok si Kerby Raymundo.
May mga iba pa kaming inihandang mga feature para sa inyo, para lalo ninyong maintindihan ang paborito ninyong laro. Mamamalagi na kami sa IBC, na magiging tahanan ng sports sa TV.
Kung nais ninyong magrequest, matatagpuan kami sa [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended