John-O tangkang iangat ni Vergeire
November 14, 2002 | 12:00am
Umaasa ang John-O na magbabago ang landas na kasalukuyan nilang tinatahak sa pag-upo ng bagong guro sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra Dazz Dishwashing Liquid ngayon sa pagbabalik ng aksiyon ng 2002 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Matapos na matikman ang ikalawang sunod na kabiguan na ang huli ay sa mga kamay ng Montana Pawnshop, 82-85 noong Sabado, nagdesisyon si team owner Senator John Osmeña na palitan ang dating mentor na si Manny Dandan upang mapaganda ang kanilang 0-2 win-loss slate.
At sa pagbabalik na ito ni Dong Vergeire sa liga, ang una niyang asignatura ay ang paghaharap nila ng dati niyang koponan sa alas-3 ng hapon kung saan para sa kanya, hindi na bago ang taktika ni coach Junel Baculi ng huli silang magharap.
At ang tanging inaasam niya ay ang maibalik ang winning form ng koponan.
Sa labang ito, sisikapin ng Dazz na makisosyo sa liderato gaya ng tangka ng Blu All-Purpose na haharap naman sa Montana sa alas-5 ng hapon bilang main game. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am