Spring Cooking Oil muling nanalasa

CEBU CITY--Ipininta ng kasalukuyang national champion Spring Cooking Oil ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa CBL (Cebu Basketball League) Invitational Cup tournament noong Lunes makaraang igupo ang University of the Visayas, 87-80 sa Cebu Coliseum dito.

Ipinamalas ni Rodel Manuel ang kanyang impresibong performance nang magsalpak ito ng slam dunk upang pangunahan ang coach Tito Palma’s Cooking Oil Masters sa magaan nilang tagumpay.

Apat na iba pang Spring bets sina Mar Reyes, Tyrone Bautista, Lito Saygo at Marphil Limbo ang sumuporta kay Manuel sa kinanang 12, 11, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkaka-sunod.

Sa iba pang laro, napanatili rin ng M. Lhuillier ang kanilang malinis na kartada nang igupo ang sister team ML Kwarta Padala, 99-84, ha-bang bumangon naman ang San Jose-Recoletos Jaguars sa kanilang opening-day loss nang hiyain ang Forward Taguig, 99-82.

Show comments