^

PSN Palaro

PSBA walang binatbat sa SSC Stags

-
Natakasan ng back-to-back NCAA titlist San Sebastian ang mahigpit na hamon ng UCAA title holder Philippine School of Business Administration-QC sa dalawang overtime tungo sa 106-102 panalo sa pagpapatuloy ng Champions League 2002 kahapon sa Makati Coliseum.

Mula sa delikadong 99-97 kalamangan ng Baste isang 4-1 run ang kanilang isinagawa upang kunin ang maluwag na 103-98 kalamangan, 1:58 na lamang ang oras sa labanan matapos ang follow-up shot ni Paul Reguera na naging tuntungan ng SSC Stags sa tagumpay.

Ang panalong ito ang nagkaloob sa Baste ng ikatlong slot sa quarter-finals kung saan nakauna na ang Far Eastern University at University of Santo Tomas na nagsi-pagpanalo noong Linggo.

Humantong sa ikalawang overtime ang laro nang mabigong kumple-tuhin ni Al Federiso ang kanyang three-point play na sana’y nagkaloob sa PSBA ng tagumpay bagkus ay kinailangan pa ng isa pang extra five minute dahil sa 93-pagtatabla ng iskor.(Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

AL FEDERISO

CHAMPIONS LEAGUE

FAR EASTERN UNIVERSITY

HUMANTONG

LINGGO

MAKATI COLISEUM

PAUL REGUERA

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

SAN SEBASTIAN

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with