Nagsumite si Lito Atilano na pumedal sa ilalim ng Bicol squad ng 56 minutos at 52.21 segundo sa 40-km individual time trial (ITT) race na ang nasabing performance ang siyang pinakamaganda ng araw na iyon , gayunman ang lahat ay nananatiling nasa agam-agam hanggat hindi natatapos ang lahat ng tatlong 40-km ITT pre-qualifying races para sa Tour Pilipinas 2003 na presinta ng Air 21 na kukumpletuhin sa susunod na dalawang weekends.
Nakatakda ang ikalawang pre-qualifying race sa Linggo sa Pililla at ang ikatlo ay sa Argao, Cebu para sa Visayas at Mindanao na mga aspirante sa Nov. 23.
Ang mga interesadong siklista mula sa south ay maaaring makipag-ugnayan kay Joe Deresas, executive director ng Professional Cycling Association of the Philippines (PCAP) sa mobile phone number 09174363432 o land line 0324144151 para sa mga detalye.(Ulat ni Carmela Ochoa)