Debut game nina Junel Baculi at Jing Ruiz sa PBL
November 7, 2002 | 12:00am
Para sa dalawang coach na sina Junel Baculi ng Dazz at Jing Ruiz ng Cheese Balls-Sharks, iisa ang nais nilang makamit ngayong araw--ang magandang debut game sa nakatakda nilang magkahiwalay na laban sa PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Ibig ni Baculi na ihulma ang Dazz Dishwashing Liguid gaya ng pag-molde niya sa Welcoat Paints nang kanyang palakasin ang kanilang lienup upang paghandaan ang unang asignatura kontra ICTSI-La Salle sa alas-5 ng hapon.
Sa kabila nito, umaasa naman si Ruiz na madadala niya ang championship tradition ng Cheese Balls-Sharks sa kanilang laban kontra sa nagbabalik na Sunkist-Pampanga sa alas-3 ng hapon.
Isa sa highlights ng laro sa pagitan ng Dazz at La Salle ay ang sagupaan nina Mike Cortez at ex-MBA recruit Peter Jun Simon. Si Cortez ay maraming fans sa PBL dahil sa kanyang mga acrobatic shots at tamang oras na pagpukol ng bola, habang inaasahan na aagaw naman ng eksena si Simon dahil sa kanyang tikas sa rainbow area at mahusay na galaw.
Isa pa rito ang sagupaan sa backcourt sa pagitan nina Eugene Tan ng Dazz at Dino Aldeguer ng La Salle, ang dalawang ace pointguards na siyang gumiya sa makasaysayang championships ng Welcoat na ngayon ay kapwa naglalaro na sa magkaibang koponan.
Si Simon ay susuportahan nina Joseph Allan Salangsang, Nino Gelig, Cyrus Baguio, Ryan Dy at Francis Mercado, habang si Cortez ay tutulungan naman nina BJ Manalo, Bern-zon Franco, Adonis Sta. Maria, Joseph Yeo, Ram Sharma at Mark Cardona bukod pa sa mga MBA recruits na sina Reynel Hugnatan at Bruce Dacia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended