^

PSN Palaro

Panalo sa Iraq regalo kay Torre

-
BLED -- Isang magandang regalo ang tinanggap ni Grandmaster Eugene Torre sa mismong araw ng kanyang ika-51st kaarawan matapos na igupo ng Philippines ang Iraq, 3-1 sa 35th Chess Olympiad.

Bahagyang nagpamalas ng supremidad ang Filipinos kontra sa mga Iraqi’s kung saan ang kanilang dalawang key players ay pawang sinupil nina GM Bong Villamayor at IM Nelson Mariano II.

Tinalo ni Villamayor si Ali Gattea, isang FIDE Master sa 39 moves ng Queen’s Gambit Tarrasch variation, nakipaghatian naman si Mark Paragua ng puntos kontra kay International Master Sarsam Saaed sa 75 sulungan ng Sicilian Defense.

Hiniya ni Mariano ang kalabang si Hadar Jaefri sa 55 moves ng French Defense at nauwi naman sa draw ang sagupaan sa pagitan nina Joey Antonio at Jwad Ahmad Asis sa 21 sulungan ng isa pa ring Sicilian.

Susunod na makakasagupa ng Filipinos ang Cambodia sa Martes sa 10th round.

Ginulantang naman ng Hungary ang Russia, 2.5-1.5 kung saan ibinigay ng reserve na si Robert Ruck ang kanyang sorpresang panalo sa board four kontra Peter Svidler sa 34 sulungan ng Sicilian Defense.

Nagtala naman ang Russia na pinangungunahan ni defending champion Garry Kasparov ng 24.5 puntos, habang ang Hungary ay mayroong 24 puntos na nalikom na sinundan ng China na may 23.5 puntos.

Patuloy ang pagdausdos ng women’s team sa standing nang muling lumasap ng kabiguan kontra sa Canada, 2.5-.5.

Susunod na haharapin ng Filipinas ang Italy, na isa sa pitong bansa na katabla nila mula sa 56th hanggang 62nd places.

ALI GATTEA

BONG VILLAMAYOR

CHESS OLYMPIAD

FRENCH DEFENSE

GAMBIT TARRASCH

GARRY KASPAROV

GRANDMASTER EUGENE TORRE

HADAR JAEFRI

INTERNATIONAL MASTER SARSAM SAAED

SICILIAN DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with