^

PSN Palaro

John-O Juzz team to beat

-
Matapos makopo ang unang PBL-CBF Dual Meet title magiging team-to-beat ang Jonh-O sa 2002 PBL Challenge Cup sa magsisimula bukas sa Pasig Sports Complex.

Ito ay dahil ang koponan na pagmamay-ari ni Sen. John Osmeña ay binubuo ng mga shooters, may malalim na bench at dominating big men.

Sisikapin ni PBL-CBF Meet MVP Ranidel De Ocampo na mapanatili ang kanyang titulo bilang "King of the Boards" laban sa kanyang mga karibal. Makakasama niya sa frontline sina Nizar Kiram at Ricky Calimag.

Mananatiling si Bong Salvador ang haligi ng koponan na kinabibilangan din nina Edrick Ferrer, Archen Cayabyab, Jeff Napa, Mark Macapagal, Al Vergara, Celino Cruz at ex-pro Leo Bat-Og na inaasahan sa three point range kasama sina Clarence Cole at Bryan Olaguer.

Hangad ding mabitbit ng LBC-Batangas ang kanilang MBA championship caliber sa PBL sa tulong nina Alex Compton, Ralph Rivera at Jayson Cuevas kasama ang mga baguhang sina Ronald Capati, Allan de Castro, Nicole Uy, Alexander Magpayo at Paul Reguera.

Karanasan naman ang ambag nina MC Caceres, Ariel de Castro, Mico Roldan at Chico Manabat sa Batangas na kinabibilangan din nina Harold Sta. Cruz at 6’9 na si Vincent San Diego.

AL VERGARA

ALEX COMPTON

ALEXANDER MAGPAYO

ARCHEN CAYABYAB

BATANGAS

BONG SALVADOR

BRYAN OLAGUER

CELINO CRUZ

CHALLENGE CUP

CHICO MANABAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with