^

PSN Palaro

Noli Eala nga kaya ang susunod na PBA Commissioner?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Patunog nang patunog ang balita–si Atty. Noli Eala na nga ang susunod na commissioner ng PBA, kapalit ni Mr. Jun Bernardino.

Minsan na naming nakausap itong si Noli at sinabi niyang he is ready to accept the challenge kung sakaling palarin siya na sa kanya mapa-punta ang puwestong yan.

Dahil sa kalagayan ngayon ng PBA, ngayon higit kailanman mas kailangang-kailangan ng PBA na magkaroon ng isang matinong desisyon tungkol sa kung sino ang susunod nilang kapitan ng barko.

Naniniwala kaming puwedeng-puwede sa posisyon ng PBA commissioner itong si Noli dahil naniniwala kaming dala-dala niya ang maraming bagong ideya na maaring bumuhay sa PBA sa 2003.

Sana nga siya na...
* * *
Champion for the first time ang Las Piñas College sa CUSA at excited na sila dahil makakasali na sila sa Battle of Champions ngayong November.

"First time namin nag-champion dyan kaya naman tuwang-tuwa kami lahat sa team. Talagang pinaghirapan namin ‘to," sabi ni Chris Espera, isa sa mga top player ng LPC.

Magaling din ang pag-handle na ginawa ni Mel Alas, kapatid ni coach Louie Alas at kasama ang kanyang coaching staff na sina Bembem Alcaraz, Francis Claveral, Jonathan Evangelista, Jayson Villegas, pati na rin ang mga players na sina Mejos, Mardeno, Pellejera, Taligatas, Amistoso, Daa, Piado, Gragasin, Constantino, Quitar, Alcaraz, dela Cruz, Caracena at pati na rin si Espera.

Ano kaya ang ibinigay sa kanilang bonus ng may-ari ng Las Piñas College na si Mr. David Uy?

Congratulations, Las Piñas College!
* * *
Grabe ang dami ng players na pumunta sa pa-tryout ng RFM team para sa PBL. Sangkaterba talaga ang players as in naloka si coach Boysie Zamar sa dami ng dumating sa UE gym.

Pagpapatunay lamang yan na napakaraming players ang walang trabaho ngayon, lalo na nung mawala ang MBA.
* * *
Kaya nakakatuwa na nabalitaan naming may Uratex team pala na binubuo para sa NBL tournament sa November. Isa sa mga namamahala dito ay si Raymond Soto na dating player ng UE at Ana Freezers.I heard na kabilang sa team niya ay sina Leo Vilar, Robin Mendoza, Jun Longalong, Jamie Shular, Jay Torres, Loreto Soriano, Edwin Pimentel, Michael Cruz at marami pang iba.

Sana’y marami pang kumpanyang tulad nitong Uratex na magka-ka-interes magbuo ng basketball team para naman mas marami ang mabigyan ng trabaho.

At ang kanilang consultant? Si Jimmy Mariano.
* * *
Personal: Happy, happy birthday sa pinakamamahal naming kaibigan na si napakagandang Ms. Yolly Nery, isang tunay na kaibigan sa hirap at ginhawa. Belated happy birthday to Prof. Jess Reyes na lagi palang nagbabasa ng Pilipino Star Ngayon. At happy, happy birthday din kay Lando Francisco na isa ring avid reader ng Pilipino Star Ngayon! Happy birthday sa ating kaibigan na si Manny Valera at congratulations sa S magazine anniversary ni Aster Amoyo!

Mabuhay kayo.

ANA FREEZERS

ASTER AMOYO

BATTLE OF CHAMPIONS

BEMBEM ALCARAZ

BOYSIE ZAMAR

CENTER

LAS PI

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with