^

PSN Palaro

Compton lalaro sa PBL

-
Dahil sa unanimous decision ng PBL Board, na payagan ng lumaro para sa LBC-Batangas, inspirado ang Philippine-born American na si Alex Compton sa kanyang preparasyon upang maging kundisyon ang kanyang katawan sa pagbubukas ng 2002 PBL Challenge Cup sa Nov. 4 sa Pasig Sports Complex.

Makaraang magsara ang MBA, nagtungo si Compton sa Amerika para mamahinga pansamantala. At sa kabila ng pagsasaya nito kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Madison, Winsconsin, hindi maikakaila mismo sa kanyang sarili na ang paglalaro ng basketball sa Pilipinas ay naging bahagi na ng kanyang sistema.

At ng malaman ng Batangas management sa pangunguna ni team owner Santi Araneta ang balita na maaari ng makapaglaro ang koponan sa PBL, hindi na siya naghintay para bitbitin ang kanyang bag at agad na magbalik sa lugar na kinukunsidera niyang ‘tahanan.’

"I’m so excited to play again for Filipino basketball fans. And I just couldn’t help but express my heartfelt gratitude to the PBL for the big, warm welcome," pahayag ni Compton.

Sa pamamagitan ng MBA Metrostars ang nagbigay sa kanya ng break upang makapasok sa RP basketball scene, tanging ilan lamang ang nakakabatid na ang ilang koneksiyon niya sa PBL ang nagbigay kay Compton ng inspi-rasyon na lumaro dito.

Nalaman ng 6’2 varsity ng Cornell College sa Ivy League na si Compton ang tungkol sa PBL sa pamamagitan ng kanyang assistant coach na si Tyron Pitts na lumaro bilang import ng Triple V noong 1993 PBL reinforced Conference.

"I heard so much how competitive the action is in the PBL and it gave me the idea ‘Hey, why can’t I play there? I was born in the Philippines." That thought just kept playing in my mind," pahayag ni Compton.

vuukle comment

ALEX COMPTON

BATANGAS

CHALLENGE CUP

COMPTON

CORNELL COLLEGE

IVY LEAGUE

KANYANG

PASIG SPORTS COMPLEX

PBL

SANTI ARANETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with