Ang panalo ni Reyes ay nagkaloob sa kanya ng tseke na nagkakahalaga ng $15,000 (P.8M), habang nag-uwi naman si Strickland ng $10,000. Tinalo ni Strickland si Francisco Django Bustamante para sa titulo ng world 9-ball sa Cardiff, Wales noong nakaraang Hulyo.
Pinahanga ni Reyes ang mga manonood sa makasaysayang Warsaw venue bunga ng kanyang mahusay na paglalaro.
Napagwagian ng Filipino cue artist, winner sa world 9-ball crown noong 1999 ang bola sa break na walang naipasok na tira at ligtas na nakapaglaro nang kanyang basagin ang kanyang rule sa pamamagitan ng jump shot.
Maningning namang naibulsa ni Strickland ang three ball, subalit hindi siya nakaligtas sa paglalaro, bago nalinis ni Reyes ang lamesa para kunin ang kalamangan.
Sa sumunod, na-fouled ang one ball ni Reyes upang itabla ni Strickland ang laro sa tig-isang rack.
At sa sumunod na play, nagpasok si Strickland ng bola sa sumunod na break, subalit nagmintis ang no. five at kulay pink na bola na nagbigay daan kay Reyes na siyang kumumpleto ng laro para sa 3-1 kalamangan.
Mula dito, lalo pang nagpasiklab si Reyes at kanyang inagaw ng tuluyan ang trangko sa 5-1 pangunguna.
Pinilit ni Strickland na pigilan si Reyes sa susunod na rack, pero nagmintis ang kanyang one ball at inilagay naman siya ni Reyes sa snooker. Bumomba si Strickland sa 1/9 combo upang agawin ang rack.
Ang nasabing kumbinasyong shot ay naging maganda ang epekto sa sumunod na rack nang maging ligtas ang kanyang tira upang ibaba ang kalamangan ni Reyes sa 5-3.
Ngunit nananatiling kampante si Reyes at ng mapunta sa kanya ang pagkakataon, hindi na ito nagpabaya at tuluyan ng diniskaril ang paghahabol ni Strickland.
"It is always great having Filipinos to support me in the audience but I would like to thank the Polish people who have been wonderful to me," pahayag ni Reyes.