Inangkin ng 22-anyos na si Canada, nagtapos sa Camarines Norte State College ang pangunguna sa 6k mark na hindi na nagawang bitiwan pa upang solong tawirin ang finish line sa tiyempong 1:13:49 na nagkakahalaga ng P10,000 at ikalawang pagkakataon para sa kanya na makasama sa National Milo Marathon 42K finals sa Manila.
Sumegunda si Ernie Payong, 29-anyos mula sa San Jose, Camarines Sur na nagtala ng 1:14:32 at pumangatlo ang Armyman na si Leonardo Cabaña na nagposte ng 1:14:50 at mapasakamay ang huling slot para sa National Finals.
Sa womens division, naging matagumpay naman ang pagbabalik ni Luisa Raterta nang solong dumating sa finish line sa bilis na 1:40:08. Ang dating taga-Laguna, na ngayon ay nakabase na sa Legazpi, Albay ay nanganak noong isang taon.
Iniwan ng 21-gulang na si Raterta ang kanyang mga kalaban sa turning point upang solong tumawid ng finish line.
Pumangalawa si Maricel Pababero na may isinumiteng 1:44:15 na sinundan ng 21-gulang na si Joy Pardiñas na mayroong tiyempong 1:45:45.