Sa labang ito, gumana ng husto ang mga pulso ni Jeffrey Cariaso nang tumipa ito ng 23 puntos, 21 nito ay mula sa unang yugto ng laro upang tabunan ang kanilang 70-76 kabiguan sa mga kamay ng Batang Red Bull noong Miyerkules sa PhilSports Arena.
Ang kabiguan ng Turbo Chargers ay nagbaon sa kanila sa hulihan ng standing sanhi ng 0-2 win-loss slate.
Bukod sa 23 puntos na produksiyon, humataw rin si Cariaso ng apat na rebounds, tatlong assists at isang steal na sinuportahan naman ni Rudy Hatfield ng 15 puntos, 16 rebounds upang pamunuan ang paghatid sa Tigers sa win column.
Kipkip ng tropa ni coach Chot Reyes ang matinding galit sa kanilang dibdib matapos ang masaklap na pagkatalo sa Thunder kung kayat wala silang inaksayang pagkakataon at maagang trinangkuhan ang tempo ng laro nang itiklop ang first half sa 20-15.
"Masama pa rin ang loob ng mga players after that loss especially that technical foul that was given to us," pahayag ni Reyes.
Sa ikalawang laro, inirehistro ng Batang Red Bull ang kanilang ikala-wang panalo makaraang igupo ang Alaska Aces, 59-57.
Ang panalo ay nagbigay sa Thunder na makisosyo sa liderato sa walang larong Purefoods na may hawak na 2-0 record. (Ulat ni Maribeth Repizo)