^

PSN Palaro

Shell taob sa Coke

-
Gumamit ang Coca Cola Tigers ng matalim na depensa sa second half upang ipalasap sa Shell Turbo Chargers ang 80-52 pagkatalo sa pag-papatuloy ng Selecta PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Sa labang ito, gumana ng husto ang mga pulso ni Jeffrey Cariaso nang tumipa ito ng 23 puntos, 21 nito ay mula sa unang yugto ng laro upang tabunan ang kanilang 70-76 kabiguan sa mga kamay ng Batang Red Bull noong Miyerkules sa PhilSports Arena.

Ang kabiguan ng Turbo Chargers ay nagbaon sa kanila sa hulihan ng standing sanhi ng 0-2 win-loss slate.

Bukod sa 23 puntos na produksiyon, humataw rin si Cariaso ng apat na rebounds, tatlong assists at isang steal na sinuportahan naman ni Rudy Hatfield ng 15 puntos, 16 rebounds upang pamunuan ang paghatid sa Tigers sa win column.

Kipkip ng tropa ni coach Chot Reyes ang matinding galit sa kanilang dibdib matapos ang masaklap na pagkatalo sa Thunder kung kaya’t wala silang inaksayang pagkakataon at maagang trinangkuhan ang tempo ng laro nang itiklop ang first half sa 20-15.

"Masama pa rin ang loob ng mga players after that loss especially that technical foul that was given to us," pahayag ni Reyes.

Sa ikalawang laro, inirehistro ng Batang Red Bull ang kanilang ikala-wang panalo makaraang igupo ang Alaska Aces, 59-57.

Ang panalo ay nagbigay sa Thunder na makisosyo sa liderato sa walang larong Purefoods na may hawak na 2-0 record. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

CHOT REYES

COCA COLA TIGERS

JEFFREY CARIASO

MARIBETH REPIZO

RUDY HATFIELD

SHELL TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with