^

PSN Palaro

May problema si Boysie Zamar

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Hangga’t nandiyan ang ‘anay’ sa isang sikat na PBA team, tandaan nyo, mahihirapang magpanalo ang team na yan. Sayang lang ang ginagastos ng management ng sikat na team na yan.

Kahit sabihin pang halos puro superstars na ang nasa team nyan, wala pa ring mangyayari dahil sila-sila, nagkaka-inggitan sa loob ng team. Kahit sabihin nyo pang puro matataas ang suweldo ng mga players nila dahil de-kalidad sila, mahihirapan pa rin yan.

Hangga’t di naaalis ang player na yan na itinuturing ng mga teammates niyang ‘anay’ patuloy na malulugmok sa kawalan ang naturang sikat na PBA team.
* * *
Si Boysie Zamar ang siyang magiging coach ng RFM basketball team na sasali sa PBL sa susunod na conference.

At dahil si Boysie, dadalhin niya ang halos lahat ng players niya mula sa UE.

May problema lang si Boysie--ang dalawa niyang magaling na UE players na dating nasa Ana Freezers eh nakapirma na sa Welcoat.

Tutoo bang binabawi ng UE sina Ronald Tubid at Paul Artadi mula sa Welcoat?

Papayag ba naman ang Welcoat na mawala pa sa kanila ang dalawang players na ito?
* * *
Umuwi galing sa Cebu ang isang draftee ng isang PBL team. May special tournament ngayon ang PBL na ginaganap sa Cebu.

Hindi pa man tapos ang labanan doon nagdesisyon ang player na ito na umuwi na lang pabalik ng Manila.

Paano daw kasi, akala niya’y magagamit siya roon ng kanyang team. Dahil isa siya sa mga first round picks sa drafting, inakala niyang malaki ang tsansa niya na mabigyan ng magandang playing time. Laking gulat niya dahil lagi siyang bangko. Minsan eh hindi ginagamit at napagtanto niyang reliever lang pala siya dahil mas marami pang magagaling na ka-puwesto niya sa team.

Nababangko lang, ayaw na?

Aba, ibang klase rin naman...

ANA FREEZERS

BOYSIE

CEBU

HANGGA

KAHIT

PAUL ARTADI

RONALD TUBID

TEAM

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with