^

PSN Palaro

2002 National Open Cycling Championships

-
LINGAYEN, Pangasinan - Pangungunahan ng mga mahuhusay na siklista ng bansa mula sa national team ang mga kalahok sa 2002 National Open Cycling Championship dito simula sa Disyembre 1-8.

Babandera sa national riders sina Asian Games athlete Victor Espiritu, Elmo Ramos, Taiwan Giant Cup riders, Arnel Quirimit at Emelito Atilano, Eagle Tour of Malaysia candidates Santy Barnachea, Enrique Domingo at Wilmur Baluyut para sa cast ng 180 Kms. open road via-Baguio competition sa national open.

Paborito si Quirimit na nabigong mapasama sa 14th Asian Games sa Busan, South Korea sa kabila ng mahigpit na hamong ibibigay nina Espiritu, Barnachea, Baluyut, Domingo at Atilano.

Magpapakita ng aksiyon ang mga top rated na siklista sa 180kms race route via Baguio, bilang ‘Killer Lap’ kung saan ipapamalas ni Barnachea, kampeon sa FedEx Calabarzon ang kanyang husay mula sa akyatan.

Bukod sa mga nabanggit, kalahok din sina Asian gamer Paterno Cur-tan at Lloyd Lucien Reynante, Wilson Blas, Paolo Manapol, Alfie Catalan, Danzel Yanaron, Ernesto Medina, Ronald Gorantes at Nilo Estayo ang sasabak para sa karangalan ng track event na ito na gaganapin sa Don Narciso Ramos Sports and Cultural Complex.

ALFIE CATALAN

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN GAMES

BARNACHEA

DANZEL YANARON

DON NARCISO RAMOS SPORTS AND CULTURAL COMPLEX

EAGLE TOUR OF MALAYSIA

ELMO RAMOS

EMELITO ATILANO

ENRIQUE DOMINGO

ERNESTO MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with