Cebuana-Lhullier bagsak sa Blu
October 22, 2002 | 12:00am
CEBU CITY--Naglabas ang Blu All-Purpose ng mahusay na depensa sa huling dalawang minuto ng laro upang pabagsakin ang Cebuana Lhuillier , 71-66 at isaayos ang kanilang panibagong title showdown ng Montana Pawnshop sa PBL-CBF Dual Meet II sa University of San Carlos gym dito.
Sumandig si coach Leo Isaac sa kanyang panibagong taktika na siyang ginamit ng kanyang mga bataan na sina Marlon Legaspi, Eric Dela Cuesta, Arnold Calo, Lou Gatumbato at Aries Dimaunahan sa second quarter na naging daan upang makontrol nila ang laro.
Tumapos si Legaspi ng 15 puntos, nagdagdag si Dela Cuesta ng 14 puntos, habang humakot sina Calo at Gatumbato ng tig-siyam na puntos at walo naman si Dimaunahan.
Nauna rito, naglabas si Gary David ng impresibong opensa nang isalpak niya ang 12 sa kanyang tinapos na 17 puntos sa final quarter kabilang ang dalawang triples nang igupo ng Montana Pawnshop ang Regent-Shark, 90-70 upang ipuwersa ang kanilang rematch ng championship match sa PBL-CBF Partnership Cup kung saan ibinulsa ng Blu ang korona matapos magwagi sa 63-57 noong Pebrero.
Dominado ng Detergent Kings ang huling dalawang quarters nang kanilang limitahan ang kamador ng Lhuilliers na sina Stephen Padilla at Junnel Maglasang sa tig-isang tres sa final period.
Kontrolado agad ng Cebuana Lhuillier ang tempo sa likod nina Maximo Delantes at Jan Montalbo sa 21-12 pangunguna may 1:29 ang nalalabi sa naturang canto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended