^

PSN Palaro

Mexican boxer pipigilan ang kalabang Pinoy

-
DAVAO CITY -- Ipinangako ni dating World Boxing Council featherweight champion Gregorio "Goyo" Vargas ng Mexico na pipigilan niya ang kalabang Filipino na si Cristopher Saluday ng Davao City sa Oct. 26 sa RMC gym sa main supporting bout ng "Duel in Davao" sa pagitan nina IBF superbantamweight champion Manny Pacquiao at challenger Fahprakorb Rakkiatgym ng Thailand.

Ang 31-anyos na si Vargas ay dumating dito kasama ang kanyang ama at manager na si Gregorio Sr.

Si Vargas ay may record na 41 wins na may 29 knockouts. Pitong beses lang siyang natalo at may isang draw. Ang 5-foot-6 na si Vargas ay nakaharap ang 22-anyos na si Saluday kahapon sa "Duel in Davao" office nagpaubayang magpakuha ng larawan sa mga photographers.

Sinabi rin ni Vargas na may isa pa siyang laban bago siya uli lumaban para sa WBC title sa Thailand. Umiskor ito ng seventh round knockout kontra kay Celso Delgado noong nakaraang Marso 15.

Napagwagian ni Vargas ang Mexican featherweight title noong 1991 sa pamamagitan ng desisyon kontra kay Ulyssis Chong. Idinepensa niya ito ng pitong beses bago napagwagian ang WBC featherweight crown makaraang daigin si Paul Hodkinson noong 1993. Nakawala ito sa kanyang kamay nang talunin siya ni Kevin Kelley noong December at noong tapon ding iyon nanalo ito ng non-title victory laban naman kay Clifford Hicks.

Tinangka nito ang International Boxing Federation junior lightweight title noong 1994, ngunit nabigo sa 12-round decision kay John-John Molina. Matapos ang hindi magandang kampanya, humakot ito ng limang sunod na panalo bago muling yumukod sa mas magaling na kalabang si Carlos Famoso Hernandez noong 1997.

Nagbalik ang Mehikano sa pamamagitan ng sunod-sunod na tagumpay kabilang na ang decision win sa mahigpit na kalabang si Wonder Ben Tackie sa Las Vegas. Sinubukan din niyang kunin ang WBC junior lightweight title kontra sa pound-for-pound great na si Floyd Mayweather Jr. ngunit bigo ito sa 12-round decision.

Sa kabilang dako, si Saluday tubong Monkayo, Compostela Valley province, ay sariwa pa mula sa kanyang tatlong sunod na panalo, lahat ay sa pamamagitan ng knockouts sa Indonesia.

Nagbiyahe din ito sa Thailand upang lumaban kay WBC champion Siri-mongkol Singmananassuk, ngunit bigo ito makaraang pabagsakin sa ikaanim na round.

Ang unang asignatura ni Saluday bilang pro ay kanyang napagwagian bago natalo sa dating national champion na si Rud 4K Kevkatche.

vuukle comment

CARLOS FAMOSO HERNANDEZ

CELSO DELGADO

CLIFFORD HICKS

COMPOSTELA VALLEY

CRISTOPHER SALUDAY

DAVAO

DAVAO CITY

SALUDAY

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with