Manalo nanalo kay Quinatadcan
October 21, 2002 | 12:00am
Pinabagsak ng top seed na si Nikki Manalo ang third pick na si Irina Quinatadcan, 6-0, 6-0 kahapon upang makarating sa girls 12-under finals ng Alberto Lina Masters Cup Tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Haharapin ni Manalo, kampeon sa FedEx netfest noong nakaraang linggo ang second seed na si Trudy Amoranto na nagtala ng 6-0, 6-0 panalo kontra kay Jia Alesis sa pagbabalik ng two-weekend event na ito sa Biyernes.
Sa boys 14-under category, pinayukod naman ng third seed na si Russell Arcilla Jr., si Dan Jeffrey Onate, 6-1, 6-1, tinalo rin ni Daniel Macalino si Tomic Apacible, 6-1, 6-3 at ginapi ni Joseph Baldonado si Jarryd Manduriao, 6-2, 6-2 upang makakuha ng quarterfinals berth sa event na ito na suportado ng Dunlop balls.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am