Ito ang tiniyak ni PNP regional director PC Supt. Isidro Lapeña sa organizing committee na pinangungunahan ni Mayor Rudy Duterte at North Cotabato Gov. Manny Piñol.
Marami ding makikitang mga pulis bago ganapin ang laban at pag-katapos ng boxing event na katatampukan ng International Boxing Federation (IBF) super bantamweight Manny Pacquiao ng Philippines at challenger Fahprakorb Rakkiatgym ng Thailand.
Gagamit din ng K9 bomb sniffing dogs para tiyakin na walang bomba ang venue.
Ang venue ay babantayan, isang linggo bago ganapin ang laban.
Sinuportahan din ni Lapeña ang ideya ni Duterte na payagan ang New Peoples Army (NPA) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na manood ng laban.
"Yes Im also willing to support the mayors idea, provided that they will come in peace," aniya.
Optimistiko ang mga organizers na sa pamamagitan ng pagtatanghal ng malaking boxing event na ito sa Davao, magiging maganda ang image ng Mindanao.
Nagpalagay din si Duterte ng malaking TV screens at maraming upuan sa Rizal Park, Magsaysay Park at PTA grounds para sa deputy mayors, barangay officials at para sa publiko na hindi makakabili ng tickets.
Samantala, ang tikets ay mabibili sa Park & Shop ng Victoria Plaza at sa entrance ng escalator sa third floor ng Gaisano Mall. Ang main ticket outlet ay sa ground floor ng Bailey Corp. building, Sandawa Plaza, R. Quimpo Boulevard, Eco-land (malapit sa Yellow Fin Restaurant).
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa tel. no. 298-4052 o 298-4051.