^

PSN Palaro

Pinoy archer nag-uwi ng bronze

-
MELBOURNE – Isang karangalan ang iniuwi ng archer na si Raul Ramon Arambulo sa bansa nang sumungkit ito ng bronze medal sa katatapos na FITA indoor compound tournament sa fifth World Masters Games dito.

Umiskor si Arambulo ng 566 puntos upang maging kauna-unahang Filipinong medalist sa prestihiyosong tourney na ito na nilahukan ng 25,000 atleta mula sa 90 bansa na sumabak sa 24 events.

"I’m so happy for being able to give honors to the country," pahayag ni Arambulo. "I’m glad that my long preparations and training paid off."

Nagtala ang dalawang iba pang Filipino entries sa compound division na sina Adam Jimenez III at Gen. Jose Marlowe Pedrosa, ang delegation head ng 547 at 527 puntos, ayon sa pagkakasunod upang tumapos lamang ng ika-10th at 27th puwesto.

Pinana nina Australia’s Roy Stanton Homer at Peter Cave ang gold at silver medal sa kanilang parehong puntos na 570.

Tumapos naman ang nag-iisang kalahrve division na si Dr. Juan Ma. Pablo Nañagas ng pang-16th place matapos umiskor ng 489 puntos.

Ang RP compound archers ay nagsubi ng team silver sa Asian championships na ginanap noong nakaraang Disyembre sa Hong Kong at tatlong medalya pa sa Asian Grand Prix sa Chongzou, China noong nakaraang Hunyo. Nakopo rin ni Arambulo ang FITA gold at Olympic Round silver medal.

ADAM JIMENEZ

ARAMBULO

ASIAN GRAND PRIX

DR. JUAN MA

HONG KONG

JOSE MARLOWE PEDROSA

OLYMPIC ROUND

PABLO NA

PETER CAVE

RAUL RAMON ARAMBULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with