^

PSN Palaro

Masusubukan ngayon ang BCAP

-
MULING masusubukan kung may ngipin ang Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) na nakatakdang maghain ng protesta sa Department of Labor and Employment matapos mapabalitang kukuha ng isa pang bagong Amerikanong coach ang Talk ‘N Text bilang kapalit ni Billy Bayno na hindi na babalik sa bansa.

"Kung hindi pa huli ang lahat ay pipilitin naming hadlangan ang pag-kuha ng Talk ‘N Text kay Paul Woolpert," ani BCAP president Chito Narvasa.

Ang inaalala ni Narvasa ay kung nauna nang nakahingi ng working permit ang Talk ‘N Text para kay Woolpert bago pa lumabas sa mga pahayagan ang balitang ang Amerikanong ito ang siyang hahawak sa Phone Pals sa All-Filipino Cup na magsisimula bukas.

Kasi nga, sa proseso ng DOLE, ang isang kumpanyang kukuha ng foreigner ay kailangang magpalathala ng legal notice at kung pagka-tapos ng limang araw ay walang maghahain ng protesta ay malaya na nitong maisasagawa ang nais nitong gawin na nangyari sa kaso ni Bayno.

"We will follow the same procedure we took when Talk ‘N Text hired Billy Bayno early this year," ani Narvasa. "The perception is we did not do anything as far as the Bayno case is concerned. That’s not true. Up to now, our papers are still with the Department of Labor and Employment."

Ani Narvasa, isang tahasang pambabastos hindi lang sa BCAP kundi sa sambayanang Pilipino ang gagawin ng Phone Pals. "Para bang wala na silang tiwala sa mga Pilipino coaches. Ang daming coaches na available ngayon dahil sa nabuwag ang MBA. Pero sa halip na doon sila kumuha ay isang Amerikano ulit ang kinuha nila. Ngayon pang 53 to a peso na ang dollar."

Idinugtong ni Narvasa na dapat ay natuto na ang Talk ‘N Text dahil sa pagkabigo ni Bayno na mabigyan ng kampeonato ang Phone Pals sa unang dalawang conferences ng season. Ang pinakamataas nilang naabot ay second place sa Commissioners Cup na napanalunan ng Batang Red Bull.

"Kung tutuusin, lamang na lamang na si Bayno sa first two conferences ng PBA dahil amateur rules ang pinairal at pagkatapos ay may dalawang imports pa. Pero nabigo pa rin siya na maihatid sa kampeonato ang Talk ‘N Text. Ngayon kukuha ulit sila ng isa pang Amerikano para sa All-Filipino Cup. Eh hindi naman niya alam ang kultura natin," aniya pa. (Ulat ni AC Zaldivar)

ALL-FILIPINO CUP

AMERIKANO

AMERIKANONG

BAYNO

BILLY BAYNO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

N TEXT

NARVASA

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with