UST may pag-asa pa
October 19, 2002 | 12:00am
Naipanalo ng University of Santo Tomas ang kanilang mahalagang laro kontra sa Jose Rizal University, salamat kay Jemal Vizcarra, ngunit ang kanilang tsansa sa semifinal round ng UAAP-NCAA Benefit Games Showdown for Bantay Bata 163 ay nakasalalay sa dalawang laro ngayon sa pagtatapos ng eliminations.
Humataw si Vizcarra ng 24 puntos upang ihatid ang UST Tigers sa kanilang ikatlong panalo matapos ang apat na pakikipaglaban matapos ipalasap sa JRU Heavy Bombers ang kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sa gayong dami ng laro.
Maghaharap ngayon ang University of the East at Philippine Christian University, gayundin ang UAAP champions Ateneo de Manila University at NCAA titlists San Sebas-tian College na siyang tutukoy ng cast ng four-team single round semifinals.
Kasalukuyang may 3-0 record ang Ateneo Blue Eagles at UE Red Warriors na kapwa may mataas na qoutient kontra sa Tigers, +31 ang Ateneo at +32 naman ang East.
Dahil dito, halos nakakasiguro na ang Eagles at Warriors sa UAAP bracket at ang tanging pag-asa ng Uste ay matalo ang Ateneo ng 18 puntos o kaya ay matambakan naman ang Warriors ng 39 puntos.
Sa NCAA bracket, okupado na ng SSC Stags ang unang semis slot bunga ng kanilang 2-1 record at ang huling slot ay pinaglalabanan ng Philippine Christian University (1-2) at College of Saint Benilde na kasalukuyang nakikipaglaban sa kanilang sister school na De La Salle University habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended