^

PSN Palaro

RP-5 nais ibalik sa ABC

-
Maaaring hindi na gigiyahan ni coach Jong Uichico ang National team, ngunit maaaring ang koponan ay muling magbabalik sa nalalapit na Asian Basketball Confederation Championships sa susunod na taon.

Isang mapagkakatiwalaang source sa PBA ang kasalukuyang kumukumbinse sa mga matataas na opisyal ng liga para sa ideyang muling ipadala ang nasabing National team na pumuwesto ng ikaapat na posisyon sa 14th Asian Games sa ABC tournament sa hindi pa malamang venue.

Ayon pa source, dahil sa ipinakitang magandang laban ng RP-5 kontra sa South Korea na siyang nagsubi ng ginto sa Asiad matapos na talunin ang China, nakatakdang magpulong sina PBA Commissioner Jun Bernardino, SMB’s Henry Cojuangco, coach Uichico at dating RP-Selecta team manager Elmer Yanga upang talakayin ang posibilidad na magpadala ng PBA team sa ABC tournament.

Maging si Yanga ay kinumpirma ang nasabing balita, bagamat sinabi nito na ito ay hindi pa final.

"That will require a decision of the board in order to push through, but personally, I am amenable to that," pahayag ni Yanga bago siya sumakay ng eroplano pabalik ng Manila mula sa Busan.

"It (Korea’s victory over China) fanned the flames of our dream of regaining basketball supremacy in the region because Korea, the eventual champion, almost lost to our team on the way to the finals," dagdag pa ni Yanga. "Sa tingin namin, aba, kung kaya ng Korea ang China, baka kaya din natin sila dahil muntik na natin silang talunin."

Limitado lamang ang commitment ng PBA sa Basketball Association of the Philippines at ito ay sa Asian Games. Ngunit kung nais ng PBA na muling maibalik ang ningning sa basketball sa Asian level, muli nilang hihilingin ang basbas ng BAP na siyang governing body ng sports sa bansa.

"We are already in the process of selecting the coaching staff for the ABC and the Vietnam Southeast Asian Games next year. We need to prepare early," wika naman ni BAP secretary general Graham Lim. "Next week, probably we will be ready to announce our choices."

Ginagamit ng BAP ang MBA para banderahan ang koponan sa ABC, ngunit dahil sa patay na ang regional format ng liga, naka-pokus ngayon ang atensiyon sa PBA.

Ang pagpapadala ng koponan sa ABC ay isang lohikal na desisyon kung saan ang top two teams--champion at runner-up ang siyang awtomatikong mayroong slot alin man sa Olympics o World Championships.

Inaasahan na sa nalalapit na World Basketball Championships sa Saitama, Japan ay mas malaking bilang ng mga kalahok ang sasali para sa 2006 games. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

DINA MARIE VILLENA

ELMER YANGA

GRAHAM LIM

HENRY COJUANGCO

YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with