^

PSN Palaro

Shark nanalo sa Casino para makisosyo sa liderato

-
CEBU CITY – Naging matatag sa huling apat na minuto ang Regent-Shark upang gapiin ang Casino Ethyl Alcohol, 68-60 at makisosyo sa liderato ng kasalukuyang PBL-CBF Dual Meet II sa University of San Carlos gym dito.

Ang tagumpay ng Cheeseballs ay kanilang nalasap matapos na pabagsakin naman ng Cebuana Lhuillier ang Montana Pawnshop, 76-62 upang wakasan ang kanilang tatlong sunod na pananalasa sa labang tinaguriang ‘Battle of the Pawnshops.’

Dahil sa kanilang panalo, ang Cheeseballs at Jewelers ay kapwa nag-iingat ng 3-1 kartada at kailangan na lamang nila ng isang panalo upang makaseguro ng slots sa semifinals.

Trinangkuhan ni Warren Ybañez ang Regent-Shark sa kanyang tinapos na 15 puntos na ang siyam nito ay mula sa pivotal 13-6 run na siyang naglagay sa Cheeseballs sa pangunguna.

Nagbanta ang Alcohol Masters sa 54-55 sa likod ng anim na puntos ni Gani Mercado may 3:50 ang nalalabing oras.

Subalit, nagpakitang gilas si Ybañez nang pangunahan niya ang tempo ng laro katulong ang rookie na si Reynaldo Mendoza upang iselyo ang tagumpay ng Cheeseballs sa 68-59, may 28 segundo na lamang ang nalalabi, bago naisalpak ni Lito Celiz ang tres para sa final score.

Sa iba pang laro, pinasadsad ng Skygo Riders ang GMC-Tortillos, 78-75.

vuukle comment

ALCOHOL MASTERS

BATTLE OF THE PAWNSHOPS

CASINO ETHYL ALCOHOL

CEBUANA LHUILLIER

CHEESEBALLS

DUAL MEET

GANI MERCADO

LITO CELIZ

MONTANA PAWNSHOP

REGENT-SHARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with