Si Cojuangco-Jaworski ang nagbigay ng ikatlo at huling gold medal ng bansa sa quadrennial sportsfest noong Lunes nang kanyang pangunahan ang individual show-jumping event ng equestrian competition.
Ang iba pang naghatid ng gintong medalya ay ang mga billiards players na sina Francisco Djanggo Bustamante at Antonio Lining at bowlers Paeng Nepomuceno at RJ Bautista, parehong sa doubles event.
Nakapagsubi din ang mga RP athletes ng pitong silver at 16 bronze medals upang higitan ang kanilang produksiyon noong 1994 Hiroshima Games (3-2-8) at 1998 Bangkok Asiad (1-5-12).
Darating din ngayong alas-11:00 ng gabi ang mga atleta at opisyal ng basketball, wushu, taekwondo, boxing, diving, athletics, karatedo, mountain bike at equestrian.
Kasama dito ang mga wushu medalists na sina Marvin Sicomen at Rexel Nganhayna (silver), Eduard Folayang, Bobby Co at Arvin Ting (bronze), boxer Harry Tanamor (silver), taekwondo jins Sally Solis, Daleen Cordero, Tshomlee Go, Veronica Domingo at Dindo Simpao, karatekas Gretchen Malalad at Cherli Tugday at ang mga kasamahan ni Mikee Jaworski na sina Danielle Cojuangco, Toni Leviste at Michelle Barrera (silver).
Darating din sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit, Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain at RP delegation chef de mission Tom Carrasco.
Ang Philippines ay naglahok ng 218 atleta na sumabak sa 31 ng 38 events sa makasaysayang Asiad kung saan ang North at South Korean bets ay naglaban-laban sa Korea sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang mga Pinoy ay ikaanim sa Southeast Asian nations sa likod ng Thailand na nagtapos bilang una sa kabuuan na may 14-19-10 gold-silver-bron-ze performance, Malaysia (12th, 6-8-16), Singapore (13th, 5-2-10), Indonesia (14th, 4-7-12) at Vietnam (15th, 4-7-2).
Tinanghal na overall champion ang China sa kanilang hinakot na 150-gold 84-silver at 74-bron-ze kasunod ang host Korea (96-80-84) at Japan (44-73-72).