^

PSN Palaro

Tanamor pag-asa ng boxing sa gold

-
BUSAN, South Korea – Isinugal ni Harry Tanamor ang huling baraha ng Philippine boxing team at nagbunga naman ito ng maganda para sa kanya.

Ibinuhos lahat ni Tanamor ang naipong galit sa kanyang dibdib upang maipaghiganti ang tinamong kabiguan ng iba pa niyang kasama upang tanggalan ng korona ang Thai pug na si Pannon Suban makaraang irehistro ang 35-26 panalo sa kanilang light flyweight bout ng 14th Asian Games sa Masan Stadium dito.

"This is a frantastic result for us because we broke Thailand’s momentum," wika ni coach Nolito Velasco hinggil sa ipinamalas na kahusayan ni Tanamor, bronze medalist sa nakaraang 2001 world championships sa Belfast." For several years now, they’ve had our number."

Makakaharap ng 25-anyos na tubong Zam-boanga City na si Tanamor ang pambato ng host country na si Kim Ki Suk para sa medalyang ginto ngayon.

Tinalo ng 22-gulang na si Kim ang kalabang si Mekhrodj Umarov ng Tajikistan sa tatlong rounds.

"We can’t be too sure of the gold yet. There is still one fight to go," wika naman ni Tanamor sa kanyang nakatakdang laban.

Hindi nakatulong kay Suban, 24-gulang ang dalawang puntos na idinagdag ng referee para kay Tanamor matapos na paulit-ulit itong kumapit sa canvass.

Si Tanamor ang nalalabing Filipino fighter na nakarating sa medal bout dito kung saan sumandig siya sa kanyang mahusay na footwork upang mapa-tamaan ng kanyang suntok ang Thais.

Ayon kay Velasco, inuutusan niya si Tanamor na lumaban sa loob kontra sa Korean pug.

"We can’t be fighting long range nad risk being outpointed," dagdag pa ni Velasco. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ASIAN GAMES

DINA MARIE VILLENA

HARRY TANAMOR

KIM KI SUK

MASAN STADIUM

MEKHRODJ UMAROV

NOLITO VELASCO

PANNON SUBAN

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with