Tsansa ng RP-5 nasa mga kamay ng Sokor
October 12, 2002 | 12:00am
BUSAN -- "Hanggat bilog ang bola may pag-asa!
Ito ang nasa isipan ng halos lahat ng Pilipino na umaasam na makakagawa ng milagro ang Philippine basketball team.
Ngunit sa nangyaring laban ng Nationals at China, tila nasakluban ng langit at lupa ang lahat ng pangarap ng milyung-milyong Filipinong umaasam.
Matapos ang nakapanlulumong kabiguan sa China 92-51, pinag-aralan ng husto ng National coaching staff na binubuo nina head coach Jong Uichico, assistant coaches Allan Caidic, Eric Altamirano at Bingky Favis ang lahat ng kamalian ng koponan upang hindi man maituwid ay mabawasan para sa kanilang paghahanda laban sa South Korea ngayon.
Nirebisa din ng coaching staff ang mga nagdaang laban ng Koreans.
Dito natuklasan nilang gumamit ng matinding shooting ang Koreans kung saan halos lahat ay kumakana.
Anim sa mga Koreans ay pawang mga beterano ng Asian Games at pawang mabibilis at kamador.
Tiyak na panibagong game plan ang inihanda ni Uichico kontra sa Koreans. Kailangang pigilan sina no. 11 Moong Kyung-Won, no. 14 Lee Sang-Min, no. 13 Chun Hee-Chul, no. 9 Hyun Joo-Yup, no. 15 Kim Soo-Sung at no. 7 Chong San-Hyun.
Tiyak na ibabangon nina Paul Asi Tauvala, Kenneth Duremdes, Olsen Racela, Noy Castillo, Andy Seigle at Dondon Hontiveros ang kanilang mga sarili upang hindi na maulit ang hindi magandang performance ng Pinoy kontra sa China.
Ito ang hindi na nila papayagang mangyari pa uli.
Samantala, sa isa pang semifinal match makakalaban ng China ang Kazakshtan sa alas-7 ng gabi pagkatapos ng laban ng Nationals at Korea sa alas-3 ng hapon na lilipat sa Sajik gymnasium. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended