^

PSN Palaro

RP naka-5 bronze

-
BUSAN, South Korea - Limang bronze lamang ang nakayanang iambag ng Pambansang delegasyon, tatlo sa taekwondo at dalawa sa karatedo na nagbigay ng buhay sa kampanya ng mga Filipino sa pagpapatuloy ng 14th Asian Games dito na nilahukan ng 44 bansa mula sa Asya.

Hindi naging masuwerte sina Tshomlee Go, Daleen Cordero at Veronica Domingo nang makaharap nila sa semis ang mga South Koreans sa kani-kanilang event sa taekwondo competition na ginaga-nap sa Gudeok gym.

Maganda ang pani-mula ng 21-anyos na si Go nang agad nitong patumbahin si F. Fayziev ng Tajikistan sa pamamagitan ng superiority (10-1) sa first round na sinundan pa ng isang superiority na panalo sa sumunod niyang kalaban na si Cheat Khemara ng Cambodia para makatuntong sa quarterfinals.

Masuwerte pa ring nakarating sa semis si Go nang daigin niya si Huang Ching Feng ng Chinese-Taipei ngunit yumuko sa Korean na si Kim Dae Ryung.

Nag-bye naman ang 23-anyos na si Domingo sa quarterfinals para makapasok sa semis ngunit yumuko kay Kim Su Uk sa pamamagitan ng 15-2 superiority.

Ang 20 anyos naman na si Cordero ay unang na-mayani kay Thsomo Tandin ng Bhuta sa pamamagitan ng 5-0 superiority ngunit nakipagsipaan ng husto kay Nguyen Thi Xuan ng Vietnam sa quarterfinals kung saan nagtabla sila sa iskor na 3-3.

Ibinigay ng referee ang panalo kay Cordero sa pamamagitan ng superiority para sa ikatlong bronze medal ng Pinoy jins.

Hindi naman naging maganda ang kapalaran para kay Donald Geisler nang matapos itala ang 10-0 RSC panalo kontra kay Alfakih Murad Abdulah ng Yemen ay yumuko naman ito sa mas mabigat niyang kalabang Iranian na si Aflakikhamseh Majid, 11-7 su-periority.

Isa pang bronze ang nasiguro ng Pinoy jins nang mag-bye sa draw si Cathy Solis na lalaban ngayon.

Maaliwalas ang kampanya ng Pinoy karatekas nang maaga pa lamang ay isinukbit ni Cherly Tugday ang bronze medal sa kata individual makaraang manalo kay Obaid Ali Asadalla Marian ng UAE sa repe-charge ng karatedo event na ginaganap sa Tangsan College gymnasium.

Nauna rito, yumuko ang 23-anyos na si Tugday kay Atsuko Wakai ng Japan, 3-0 na nagkampeon sa naturang event.

Ang inaasahang si Gretchen Malalad ay nakuntento din sa bronze ma-karaang magwagi ito sa repecharge kontra sa Vietnamese na si Nguyen Thi Tu Trang, 5-3 bago natalo kay Supramanian Premila ng Malaysia na nag-gold sa -60 individual kumite. Nanalo si Malalad sa Thailander na si Charagrang Vipavee, 3-2 sa prelims.

Nakasiguro ng tatlong bronze ang wushu team makaraang pumasok sa semis sina Marvin Sicomen, Rexel Nganhayna at Eduardo Folayang.

Pumang-apat naman ang equestrian team na binubuo ng mga mayayamang Cojuangcos sa first round ng show jumping event. (Ulat ni Dina Marie Villena)

AFLAKIKHAMSEH MAJID

ALFAKIH MURAD ABDULAH

ASIAN GAMES

ATSUKO WAKAI

CATHY SOLIS

CHARAGRANG VIPAVEE

CHEAT KHEMARA

CHERLY TUGDAY

KAY

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with