^

PSN Palaro

RP athletes tahimik

-
BUSAN, South Korea – Tahimik ang kampanya ng Pambansang delegasyon nang hindi natugunan ng tatlong Pinoy jins ang lakas ng mga kalaban sa taekwondo competition ng 14th Asian Games dito.

Naunang nalaglag sa event na inimbento ng mga Korean si Olympian Roberto Cruz na sa unang salang ay agad yumuko sa kalabang si Matin Boboev ng Tajikistan sa pamamagitan ng superiority sa kanilang finweight match.

Ngunit nakapanlulumo ang naging kabiguan ng 30-anyos na lumamang sa 9-7 ngunit nakahabol ang Tajikistan at naitabla sa 9-all hanggang sa maubos ang oras. Iginawad ang pa-nalo sa kalaban ni Cruz bunga ng superiority na desisyon ng referee.

Maganda naman ang panimula ng kanyang counterpart na si Eva Marie Ditan nang manaig ito sa first round ng kanyang laban kay Bidha Kinley ng Bhutan via superiority sa unang round ngunit hindi sinuwerte sa ikalawang round makaraang yumuko kay Chinese Wang Ying sa pamamagitan ng superiority (3-0).

Ang ikatlong Pinoy jin na nalaglag ay si Alexander Briones sa lightweight division gayunpaman, nagbigay ng magandang laban ang 18-anyos na si Briones nang pumasok ito sa ikalawang round sa pamamagitan ng bye sa unang round.

Tumuntong ito sa ikatlong round nang pabagsakin si Shrestha Niranjan ng Nepal ngunit nabigong umakyat sa semis nang matalo kay Yerden Yesbol ng Kazakhstan.

Hindi pa rin kinakapitan ng suwerte ang ‘Go’s Army’ nang pumuwesto lamang na pangsiyam si Eduardo Buenavista sa 5,000m run finals ng athletics event na ginaganap sa Busan Main Stadium gayundin si high jumper Sean Guevarra.

Maganda naman ang performance ng Pinoy artist na si Alvin Ting nang pumangatlo ito sa Chanquan 3 events combined sa preliminary ng wushu competition sa iskor na 9.46 habang si Mark Rosales ay may 9.2.

Sa kababaihan, nasa ikalimang posisyon naman si Mary Lim sa taijiquan 2 events combined sa kan-yang 9.43 puntos at kapwa umusad sa susunod na round sina Rexel Nganhayna at Marvin Sicomen sa combat event. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ALEXANDER BRIONES

ALVIN TING

ASIAN GAMES

BIDHA KINLEY

BUSAN MAIN STADIUM

CHINESE WANG YING

DINA MARIE VILLENA

EDUARDO BUENAVISTA

EVA MARIE DITAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with