RP karatekas may pag-asa sa gold
October 10, 2002 | 12:00am
BUSAN May posibilidad na makakuha ng gintong medalya ang Philippine karatekas bunga ng magandang draw.
At ang may pinakamagandang tsansa ay si Gretchen Malalad.
"Gretchen is our best bet for a gold," ani Lay, nanalo ng isa sa dalawang bronze ng bansa sa karatedo sa Asiad walong taon na ang nakakaraan sa Hiroshima. "Her toughest rival her bracket is Malaysian Premila Subramanian, but Gretchen has the edge."
Sasabak sa aksiyon ang 22-anyos na si Gretchen na mapagkakamalang commercial model sa 60 kgs., class kung saan may pito lamang ang lahok.
Lalaban si Malalad bukas sa opening match ng karatedo event ng 14th Asian Games na gaganapin sa Yangsan college stadium kontra Thailander na si Vipavee Charagrang.
May tsansa din sina Ernesto Halili at Ryan Bonifacio III na makasilat ng medalya.
"Actually, may pag-asa lahat ang limang athletes namin. Pero mas malaki ang laban ni Gretchen, Brandy (Bonifacio) at Halili," dagdag pa ni Lay na itinalagang coach matapos ang matagumpay na kampanya ng karatekas sa Czechoslovakia at Italy noong nakaraang Agosto.
Si Malalad ay umani ng dalawang gintong medalya sa nakaraang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
"She is capable of repeating her feat or settling for either silver or bronze here," sambit pa ni Lay. "But this early, we can already consider ourselves lucky for having been blessed with a good draw."
Ang iba pang RP karatekas ay sina Cherli Tugday at Junel Perania.
Isasagawa ni Tugday ang kanyang debut sa kata kontra many-time world champion Atsuko Wakai ng Japan simula sa alas-9 ng umaga bukas.
"Mabigat ang laban, pero kung sakaling matalo, may pag-asa pa sa repecharge.
Sina Mariano, Halili at Perania ay lalahok sa kumite sa ikalawang araw at huling araw ng competition sa Oct. 12. Makakaharap ni Mariano si Nepals Maharjan Ravi sa 70-kg., sasagupain ni Perania ang Kuwaitis na si Almutairik Nayef sa 65-kg., habang mapapasabak si Halili kontra Chan Chun Ho ng Hong Kong sa 60-kg. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended