^

PSN Palaro

Matumal ang kampanya ng RP

-
BUSAN, South Korea – Matumal ang pagdating ng medalya para sa ban-sa makaraan ang inaasahang bowling team ay mabigo sa kanilang inaasintang isa pang gintong medalya sa men’s at women’s master event ng 14th Asian Games.

Dismayadong nagtapos na pampito si Engerlbert Rivera at 5th lamang si Liza Clutario sa women’s masters.

Si Clutario ay nagpagulong ng mahinang 196, 204, 199, 246, 192, 226, 211, 259 at 182 sa average na 211.94 sa first block, ngunit hindi rin sinuwerte sa second block sa kanyang mga tira na 236, 197, 173, 202, 217 at 234 sa average na 216.94.

Hindi rin nakabangon si Rivera sa kanyang masamang laro sa 200, 242, 217, 227, 201, 218, 233 at 226 sa first block sa average na 216.44 at second blocks scores na 203, 226, 201, 206, 181, 222, 234 sa average na 222.69.

Sa athletics, lumipad sa ere ang mga pangarap ni Ernie Candelario makaraang magtapos lamang ito na ikawalo at kulelat na puwesto sa 400m men ng athletics event sa Busan Main Stadium.

Si Candelario ay naorasan ng 46.95 second na malayung-malayo sa kumuha ng gold na si Al Shammari Fawzi ng Kuwait na tumabla sa Games record na 44.93 secs., habang pumangalawa naman ang taga-Saudi na si Al Bishi Hamdan (44.95 sec.) at tersera ang Sri. Lankan na si Handunpurage Rohan (45.67).

Sisimulan na rin ng Pinoy jins ang kanilang kampanya na makasungkit ng gintong medalya sa taekwondo event na gaganapin sa Gudeok gymnasium sa pagsalang nina finweight Eva Marie Ditan at Roberto Cruz at lightweight Alexander Briones.

Bagamat masyadong mabigat ang nakaatang sa mga balikat ng Pinoy jins na umaasang makakakuha ng kahit isang medalya dahil sa Korea ipinanganak ang taekwondo na siyang pinakamatinik nilang kalaban.

Pagsisikapan naman ng mga Pinoy wushu players na maging maganda ang kanilang panimula sa pagbubukas ng wushu competition sa Dongseo University Minseok Sports Center.

Sasabak si Mary Lim sa taijiquan, Mark Rosales at Arvin Ting sa chang-quan at sa combat event naman ay isasalang sina Marvin Sicvomen (52 kgs.), Rexel Banghayna (56-kgs.), Joseph Pasiwat (60-kgs.) at Eduard Folayang (65-kgs.) sa sanshou.

Samantala, tatakbo naman sa 5,000m men’s final si Eduardo Buena-vista at tatalon sa finals ng high jump si Sean Guevarra para ipagpatuloy ang kanilang kampanya.

Susubok naman si Shiela Mae Perez sa women’s 3 springboard ng diving event. (Ulat ni Dina Marie Villena)

AL BISHI HAMDAN

AL SHAMMARI FAWZI

ALEXANDER BRIONES

ARVIN TING

ASIAN GAMES

BUSAN MAIN STADIUM

DINA MARIE VILLENA

DONGSEO UNIVERSITY MINSEOK SPORTS CENTER

EDUARD FOLAYANG

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with