^

PSN Palaro

Gold sa billiards silver sa bowling

-
BUSAN Muling nasikatan ng araw at sumaya ang paligid nang ihandog nina Francisco "Django" Bustamante at Antonio Lining ang gintong medalya, habang nag-ambag naman ng silver medal ang women’s bowling team na nagbigay liwanag sa kampanya ng Pamban-sang delegasyon na kumakampanya sa 14th edisyon ng Asian Games dito.

Tinumbok ng tambalang Bustamante at Lining ang kumikinang na ginto sa 9-ball doubles nang kanilang payukurin ang Korean duo nina Jeong Young Hwa at Kim Won Suk, 11-9 para muling marinig ang pagtugtog ng Pambansang Awit.

Inihabol naman ng women’s team-of-five na binubuo nina Liza del Rosario, Jojo Canare, Irene Garcia Benitez, Liza Clutario at Cecilia Yap ang silver makaraang magpagulong ng 6,095 pinfalls sa likuran ng nag-gold na Korean na may kabuuang 6,272 pinfalls. Gayunman, hindi sinuwerte ang kalalakihan na pangwalo lamang ang tinapos sa kanilang event.

Lungkot at saya naman ang sumilay sa Philippine boxing team nang mabigo si Violito Payla na makausad sa susunod na round makaraang pabagsakin ng Pakistani na si Nouman Karim, 31-19 habang nalusutan naman ni Anthony Igusquiza ang kalabang Syrian na si Hamidi Yousef, 20-14.

Makulimlim ang pagtalon para sa athletics ng pumuwesto lamang sa ikawalo ang inaasahang si Eduardo Buenavista sa 10,000m men’s final sa kanyang oras na 29:02.36 na malayo sa nag-gold na si Otaibi Makhid ng Saudi Arabia.

Habang naungusan sa bronze medal si long jumper Lerma Bulauitan Gabito ni Yelena Kochsheyeva ng Kazakhstan na magkatulad ang tinalon na 6.30M.

Naging gabay ng Kazakhs ang dalawang beses niyang pagtalon ng 6.30m habang minsan lamang si Gabito sa kanyang ikalawang pagtatangka.

Nakapasok naman sa 400m men’s final si Ernie Candelario na itatakbo sa Oktubre 9. (Ulat ni Dina Marie Villena)

vuukle comment

ANTHONY IGUSQUIZA

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BUSTAMANTE

CECILIA YAP

DINA MARIE VILLENA

EDUARDO BUENAVISTA

ERNIE CANDELARIO

HAMIDI YOUSEF

IRENE GARCIA BENITEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with