^

PSN Palaro

Laguna diniskaril ng Thailander

-
BUSAN – Kinapos ang boksingerong si Roel Laguna sa ikaapat na round upang yumukod kay Samaksaman Sutthisak ng Thailand sa kanilang laban sa featherweight division ng boxing event ng 14th Asian Games sa Masan Stadium dito.

Makaraang lumamang sa 11-10 sa ikatlong round, hindi na binigyan ng pagkakataon ng Olympian na si Sutthisak na maka-iskor ang Pinoy para igupo ito sa 18-11 at umusad sa quarterfinals.

Dahil sa kabiguang ito, tatlo na ang nalalagas sa 8-kataong Filipino boxers na kumakampanyang maiahon ang kanilang nakakadismayang performance sa nakaraang 1998 Bangkok Asiad.

"Bumitaw sa last round," pahayag ni coach Nolito Velasco patungkol sa laro ng 21-anyos na Asiad rookie mula sa Cagayan de Oro City.

Kasama na ngayon ni Laguna sa sidelines sina bantamweight Ferdie Gamo at light middleweight Chris Camat. "Sayang, kasi sa tingin ko medyo wala sa kundisyon ang kalaban," dagdag pa ni Velasco.

Aakyat naman ngayon sina Anthony Igusquiza at Violito Payla sa ring para matakpan ang kabiguan ni Laguna.

Sasabak si Igusquiza sa 60kg., lightweight division para harapin ang Syrian na si Hamidi Yousef, habang makikipagpalitan naman ng suntok si Payla kontra Nouman Karim ng Pakistan sa 51kg., lightweight class.

"Fight tayo diyan," ani pa ni Velasco sa nakatakdang pagsagupa nina Igusquiza at Payla sa kani-kanilang mga kalaban para sa inaasam na ikalawang sunod na panalo na magbibigay sa kanila ng awtomatikong bronze medal.

Binigyan ni Samaksaman, tigasin sa 57-kg., division at quarterfinalist sa Sydney Olympics at world champions ng mabigat na laban si Laguna sa unang tatlong rounds, ngunit nagawang makipagsabayan ng Pinoy fighter kung saan tanging sa ikaapat na round lamang ito bumitaw matapos mabigong tugunan ang ilang malalakas na suntok ng kalaban.

Nakatakda ring umasinta sina Sidney Olympian Romeo Brin at light flyweight Harry Tanamor ng kani-kanilang bronze medal bukas.

Makakasagupa n Brin si Asghar Ali Shah ng Pakistan sa light welter weight bout, habang ikatlong panalo naman ang tangka ni Tanamor kontra Mh. Ali Qamar ng India na pinabagsak ang kanyang kalaban sa first round pa lamang.

Ang huling Pinoy pug na aakyat sa ibabaw ng lona ay si middleweight Maraon Goles na babangga naman kay Ahmed Ali Khan ng Pakistan na ang kanyang panalo sa Oct. 9 ang siyang magseseguro ng bronze medal. (Ulat ni DMVilleina)

AHMED ALI KHAN

ALI QAMAR

ANTHONY IGUSQUIZA

ASGHAR ALI SHAH

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

CHRIS CAMAT

FERDIE GAMO

HAMIDI YOUSEF

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with