^

PSN Palaro

Tanamor may tsansa sa medalya

-
BUSAN -- Saya at lungkot ang nadarama ng Philippine boxing team nang magkaroon ng konting linaw ang tsansa na makapasok sa medal round makaraang igupo ni Harry Tanamor si Zou Shiming ng China, 15-13 sa kanilang lightflyweight division match, habang ma-lungkot dahil yumukod naman ang Fil-Am boxer na si Chris Camat kay Kashif Munbtaz ng Pakistan, 18-11 sa pagpapatuloy ng boxing competition sa napakalayong Masan Sports Complex.

Ang 24-anyos na si Ta-namor ay umusad sa quarterfinals kung saan makakaharap naman niya ang Indian fighter na si Ali Qamar na nanaig kay Pakistan Hafeez Imran sa pamamagitan ng RSC-points, 12-1.

Hindi naman kasiya-siya ang pasya sa kabiguan ng 22-anyos na si Ca-mat na sa tingin ng karamihan ng kasaling bansa ay may bahid ng politika.

Kutob ng karamihan, nahaluan ng politika ang kabiguan ni Camat sa Pakistani dahil ang pangulo ng AIBA na si Prof. Anwar Chowdry ay isang Pakistani at ang asawa nito ay isang Korean national na inaasahang nagkaroon ng hometown decision para sa host country.

Sa pagkatalo ni Camat, anim na Filipino boxers na lang ang nalalabi at mas matinik na daan ang tatahakin dahil sa mas bigayin at de-kalibreng boksingero ang kanilang makakalaban.

Aakyat ngayon sa ring si Violito Payla sa flyweight division kontra kay Tulashbov Doniyorov ng Uzbekistan. (Ulat ni DMVillena)

ALI QAMAR

ANWAR CHOWDRY

CAMAT

CHRIS CAMAT

HARRY TANAMOR

KASHIF MUNBTAZ

MASAN SPORTS COMPLEX

PAKISTAN HAFEEZ IMRAN

TULASHBOV DONIYOROV

VIOLITO PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with