Ito ang ipinahayag kahapon ni NBN Chairman Mia Concio bunga ng maraming kahilingan ng mga sports fans na di makapanood ng mga laro sa oras ng trabaho.
Ngunit tuwing weekends, ang mga pangunahing sports ay ipapalabas ng live at may replay pagkatapos ng Asian Games Recap sa alas-10:30 ng gabi.
"While it is ideal to telecast basketball, boxing and billiards direct via satellite, we also dont want to deny those who are in their offices the chances to witness the exploits of our athletes," ani Concio.
"Especially now that the RP basketball team is almost sure of barging into the semifinals, we want to instill national pride by encouraging the Filipino nation to pour their all-out support to the team through our telecast. In days where we dont have basketball games, we will be airing boxing and billiards where we expect to win golds," paliwanag nito.
Ipinaliwanag din ni Concio na maaaring mabago ang telecast dahil pinapalitan din ng organizers ng Busan Asian Games ang schedule ng telecast.
Walang telecast ang billiards kung saan pambato sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante gayundin si Lee Van Corteza kayat gumawa ng sariling coverage ang NBN na kailangan pang i-edit bago maipadala sa NBN home studio.
"As we promised, we want to make the Asian Games coverage as comprehensive as possible." ani Concio.