Simula sa alas-9 ng umaga, magsisimula na ang aksiyon sa mens singles kung saan pangungunahan ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, Rowen Jay Bautista, Constantine King, Leonardo Rey Jr., Engelberto Rivera at Christian Jan Suarez.
Inaasahang may malaking bentahe na ito para kay Nepomuceno na may isang buwan pa lamang nagkampeon sa Busan international bowling championships kung saan mismo sa bowling lane ng Home-plus ginanap ang kompetisyon.
Bagamat kabisado na ang bowling lane, hindi dapat magkumpiyansa ang mga Pinoy bowlers.
Sa kababaihan, sasalang sa bowling lanes sa ganap na ala-una ng hapon sina Josephine Canare,Liza Clutario, Liza del Rosario, Irene Garcia-Benitez, Kathlyn Ann Lopez at Cecilia Yap. (Ulat ni DMVillena)