^

PSN Palaro

RP-5 babanggain ang Japan ngayon

-
BUSAN, South Korea -- "It’s an even match against Japan."

Ito ang paunang pahayag ni Philippine mentor Jong Uichico sa kanilang laban kontra sa Japan sa pag-usad ng basketball competition ng 14th Asian Games sa Geumjeong Stadium.

Makakaharap ng Pinoy ang mga Hapones sa kanilang unang asigna-tura sa quarterfinal round sa ganap na alas-5 ng hapon (alas-4 sa Manila).

At bagamat maganda ang ipinamalas sa opening day kontra sa United Arab Emirates makaraang itala ang 81-56, higit na mas impresibong laban ang ipinanalo ng Nationals kontra sa Nokor, 89-63 noong Lunes.

Gayunpaman, hindi dapat magkumpiyansa ang RP squad sa kanilang laban kontra sa Japan kung saan kailangang bantayan ang kamador na si Takehiko Orimo.

Ang beteranong si Orimo, Most Valuable Player ng Japan Basketball League ay masama pa ang katawan sa kanilang laban kontra sa South Korea, 79-62. Umiskor ito ng 15 puntos nang imasaker ng Hapones ang Mongolia, 125-75.

"He moves like Kenneth (Duremdes)," pahayag ni assistant coach Allan Caidic na ang huli sa kanyang apat na nilahukang Asian Games ay noong 1998 Bangkok.

"We don’t want to disappoint the Filipino people, we know we are good and we want to prove ourselve to all who doubt on us," pahayag naman ni Asi Taulava na nagpakita ng magandang depensa kontra sa 7-foot-9 ng North Korea na si Ri Myong-Hun.

Mauuna rito, nakatakdang harapin ng China ang Chinese-Taipei sa alas-3:00 ng hapon. Ang Chinese at Taiwanese ang kasama ng Nationals sa grupo.

Sa ibang grupo ng quarterfinals, maghaharap ang South at North Korea sa alas-3:00 ng hapon at Kazakhstan kontra sa Hong Kong sa alas-5:00 ng hapon sa Huwebes.

Noong 1994 Asiad sa Hiroshima, tinalo ng Japan ang Philippines para kunin ang bronze, ngunit dalawang beses pinabagsak ng mga Pinoy ang mga Hapones sa 1990 Beijing Games para kupitin ang silver sa likuran ng supremidad ng China.(Ulat ni Dina Marie Villena)

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

ANG CHINESE

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BEIJING GAMES

DINA MARIE VILLENA

GEUMJEONG STADIUM

HAPONES

NORTH KOREA

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with