Nokors walang binatbat sa RP-5
October 1, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea -- Nabuksan ang misteryo ng North Korea at ang matagal nang palaisipan kay National coach Jong Uichico at madali palang maresolba makaraang maitala ang impresibong 89-63 tagumpay laban sa Nokor sa kanilang laban sa Group C ng basketball competition dito sa 14th edisyon ng Asian Games na ginanap sa Geomjeung stadium.
Sa kaagahan pa lamang ng bakbakan agad na sinalanta ng RP Squad na binubuo ng mga pinakamahuhusay na manlalaro ng PBA, ang Nokor nang agad manalasa si Kenneth Duremdes na nagtala ng 21-puntos upang pangunahan ang mga Pinoy cagers habang nanonood ang na-injured na si Danny Seigle.
Malagkit na depensa ang iginawad ni Paul Asi Taulava sa 7-foot-9 na si Ri Myong-Hun upang limitahan lamang ito sa 13 -puntos at 9-rebounds habang kumana ang Talk N Text cager ng kabuuang 13-puntos bukod sa kanyang hinatak na 15-rebounds para ipamukha sa Nokor na kaya nilang tapatan ang higante ngunit matanda nang Koreano.
Nagawa pang makalamang ng Nokor sa 26-25 sa second quarter ngunit nagbaba ng 12-0 atake ang Nationals sa pangunguna ng 7-puntos ni Duremdes upang ilayo ang iskor sa 37-26 at sinundan pa ng isang 12-4 salvo upang isara ang first half sa 49-31.
"Its a long way to go, but were happy were already in the quarterfinals. We plan to double team Ri Myong-Hun but we changed our plan after watching their game," pakumbabang pahayag ni coach Uichico.
Sa pagpasok ng second half, nagpiyesta ng husto ang Nationals nang agad nanalasa si Andy Seigle, Olsen Racela at Duremdes upang ibigay sa Pinoy cagers ang bentaheng 22-puntos, 62-40 at tuluyang hindi mapigilan ang maiinit na kamay ni Duremdes na tuluyang nagbaon sa Nokor sa 25-puntos, 85-58 bago tuluyang iselyo ang laban.
Ang panalo ng Nationals ay nagbigay sa Pinoy cagers ng posisyon sa quarterfinals at nakatakda nilang harapin ang Japan na iginupo naman ng host South Korea, 79-62 sa Group B habang tinalo ng Kazakhstan ang Chinese Taipei, 86-75 sa Group D.
Pahinga ngayon ang basketball at magpapatuloy bukas sa simula ng quarterfinals.
Samantala sa ibang events ngayon, mapapasabak sa aksiyon ang snooker doubles natin na sina Benjamin Guevarra at Marlon Manalo upang makatumbok ng puwesto sa semis. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am