^

PSN Palaro

Espiritu kumpiyansang pumidal ng ginto

-
BUSAN, South Korea -- Handa na at nasa kundisyon si Victor Espiritu ngayon sa kanyang pagsakay sa bisikleta at ambisyunin ang gintong medalya sa 50km individual time trial ngayong umaga sa pagpapatuloy ng 14th Asian Games dito.

Ang 26-anyos na si Espiritu na nakuntento lamang sa bronze medal na pagtatapos sa road race noong 1998 Bangkok Asiad kung saan nakuha ni Wong Kam Po ng Hongkong ang gold at silver naman kay Makoto Iijima ng Japan, ay may sakit pa noong bisikletahin ang ikatlong posisyon.

"Nasa kundisyon ako ngayon, pahayag ni Espiritu, ang unang amateur na tinanghal na Marlboro king noong 1996. "Ensayado at preparado ako."

Ang mahigpit at puspusang pagsasanay ni Espiritu sa may Jala-jala sa Mabitac, Laguna sakay ng kanyang bisikleta ay halos anim na oras, tatlong beses isang linggo sa halos isang buwan.

"Tamang-tama lang ‘yan dahil magpi-peak ako sa Asian Games. Focused kaming lahat. Wala kasing mangyayari kung magpapa-apekto sa hidwaan ng dalawang nag-aaway na asosasyon," ani Espiritu na nagsabing ang kakulangan sa PACA ay pinupuno naman ng Airfreight 2100 chairman Bert Lina at president Lito Alvarez.

"Malaki ang pasasalamat namin kina Mr. Lina," pagtatapos ni Espiritu na sasamahan sa road race nina Merculio Ramos habang sina Kuala Lumpur SEAG silver medalists Paterno Curtan at Bryan Dimacali ay ang pambato naman sa track events. (Ulat ni DMVillena)

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

BERT LINA

BRYAN DIMACALI

ESPIRITU

KUALA LUMPUR

LITO ALVAREZ

MAKOTO IIJIMA

MERCULIO RAMOS

MR. LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with